Yung feeling na natupad na yung isa sa mga pangarap mo pero wala kang matinong picture ‘tas lagi ka pang may asungot n kasama sa bawat shots, ansaya kaya. Naalala ko huling punta ko dito grade one tapos wala akong maalala na sumakay ako ng kahit anog rides, nung nag highschool naman ako dahil sadyang mga paasa at kuripot ang mga kaibigan ko hindi kami natuloy tuloy kaya buti nalang nung January 19,2012 natupad na siya. Hindi ko maexplain yung saya ko nung makapunta ko alam kong mababaw pero iba talaga yung feeling eh :) Nung sumakay ako ng Space Shuttle may napagtanto ako, habang naghihintay ka sa may pila at tinitignan mo yung nakasakay pakiramdam mo ang bilis lang pero pag nakasakay ka na ang bagal umakyat at the same time iniisip mo kung hindi pa ba babagsak tapos pag nalingat ka lang saglit bigla kang babagsak at magpapaikot-ikot, una nakakakaba pero biglang kang sasaya tapos mahihilo tapos parang ayaw mo na kasi nasusuka ka na pero pag baba mo gusto mo uling ulitin kasi noong mo lang naramdaman yung ganoong feeling yung feelin na konti nalang maabot mo na yung langit. Parang sa pag pasok sa relationship? Una ayaw mo kasi natatakot tapos habang tumatagal yung relasyon sumasaya ka pero dadating yung punto na ayaw mo na at sukang suka ka na sakanya, ganoon pa man gusto mo pa rin mainlove kasi ansarap isipin na may nagmamahal sayo.